Quantcast
Channel: GMA Network News Feed
Viewing all articles
Browse latest Browse all 43556

AZ Martinez at River Joseph, ikatlong duo na pasok sa Big 4 ng 'PBB Celebrity Collab Edition'

$
0
0

Opisyal na ring ipinakilala ni Kuya ang ikatlong duo na kabilang sa kanyang Big 4 sa GMA at ABS-CBN collab na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Inanunsyo sa recent episode ng programa na ang duo na sina AZ Martinez at River Joseph, o Team AzVer, ang nagwagi sa ikalawang Big Jump Challenge sa loob ng Bahay Ni Kuya.

Kaugnay ng pagkapanalo nila sa challenge, matagumpay nilang nakuha ang ikatlong spot sa Big 4.

Sila ay kilala sa teleserye ng totoong buhay bilang "Ang Miss Sunuring Daughter ng Cebu" at "Ang Sporty Business Bro ng Muntinlupa."

Bago ito, ipinakilala ang RaWi (Ralph De Leon at Will Ashley) bilang ikalawang celebrity duo na nakatungtong sa Big 4 platform.

Ang unang naging parte nito ay ang duo na CharEs, sina Charlie Fleming at Esnyr.

Samantala, sino kaya ang huling Kapuso at Kapamilya na makakapasok sa Big 4 ni Kuya?

Abangan ang susunod na mga kaganapan sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 9:35 p.m. at Sabado, 9:30 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.

Narito ang ilang limang natitirang duos sa loob ng Bahay ni Kuya:


Viewing all articles
Browse latest Browse all 43556

Trending Articles